|
||||||||
|
||
Bagong PNO chief, kinilala na
NCRPO Director Oscar Albayalde, (gitna) hinirang ni Pangulong Duterte bilang pinuno ng Philippine National Police kapalit ni Director General Ronald M. Dela Rosa. (File Photo/Melo M. Acuna)
HINIRANG ni Pangulong Duterte si National Capital Region Police Office Director Oscar Albayalde bilang kapalit ni PNP Director General Ronald M. Dela Rosa. Ito ang kanyang binanggit sa isang okasyon sa Malacanang kanina.
Nakatakdang umalis si General dela Rosa sa kanyang puesto noong ika-21 ng Enero pagsapit ng kanyang ika-56 na kaarawan subalit binigyan pa siya ng ilang buwan ni Pangulong Duterte.
Hinirang na rin si Dela Rosa bilang Director ng Bureau of Corrections na nagpapatakbo ng mga piitan sa iba't ibang bahagi ng bansa. Sinasabing 75% ng mga transaksyon sa illegal na droga ang nagaganap sa loob ng piitan.
Kapwa kabilang sina Director Albayalde at Director General Dela Rosa sa PMA Class Sinagtala of 1986.
Naglingkod si G. Albayalde bilang provincial police director sa Pampanga bago nahirang na director ng National Capital Region Police Office.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |