Pagpapasara sa Boracay magsisimula sa ika-26 ng Abril
INIUTOS ni Pangulong Duterte ang pagpapasara sa Boracay mula sa darating na Linggo, ika-26 ng Abril matapos malantad ang dumi sa kilalang baybay-dagat sa Aklan.
Lumabas ang balita matapos ang cabinet meeting kagabi sa Malacanang. Maglilinis ang pamahalang lokal at ang mga establisimiento upang maging ligtas ang mga dadalaw na panauhin.
Magugunitang nagkaroon ng 6.6 milyong banyagang turistang dumalaw sa Pilipinas noong 2017. May 1.5 milyon ang mula sa South Korea samantalang mayroong higit sa 970,000 mga nagmula sa Tsina.
Samantala, nanawagan naman si dating chairman ng Presidential Commission on the Urban Poor Terry Ridon sa pamahalaan na tingnan ang kalagayan ng mga mawawalan ng hanapbuhay sa loob ng anim na buwan. Lubhang mahihirapan ang mga manggagawa na walang ibang inaasahan, dagdag pa ng dating Kabataan Party List Representative Ridon.
1 2 3 4