|
||||||||
|
||
Walang makapapantay sa Boracay
KAILANGAN ang ibayong pagtutulungan ng iba't ibang sektor, kabilang na ang pamahalaan at mga may hotel, restaurant, pamilihan at maging travel and tour organizer upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan sa Boracay.
Magugunitang ipinasara ni Pangulong Duterte ang Boracay mula sa ika-26 ng Abril. Magtatagal ang pagpapasara sa loob ng anim na buwan.
KAILANGANG ISARA ANG BORACAY. Ito ang sinabi ni Tourism Asst. Secretary Frederick Alegre sa idinaos na Tapatan sa Aristocrat. Layuning mapanatiling ligtas ang mga dadalaw na banyaga at Filipino sa pook. May spat umanong safety measures ang pamahalaan. Na sa gawing kanan si Gng. Marlene Dado Jante, pangulo ng Philippine Travel Agencies Association na naysaying nais nilang mabatid ang buong detalyes ng safety measures upang mawala ang agam-agam sa mga manggagawa at mga travel and tour organizers. (Melo M. Acuna)
Bagaman, sinabi ni Assistant Secretary Frederick Alegre sa katatapos na Tapatan sa Aristocrat kanina na posibleng tumagal lamang ito ng dalawa hanggang tatlong buwan kung madadali ang paglilinis ng mga maruruning bahagi ng Boracay.
Kabilang sa mga gagawin ng Joint Task Force ang pagpapasara at paggiba sa mga gusaling itinayo sa mga kinikilalang kagubatan at maging "wetlands." Nakalulungkot umano na umusbong na lamang ang mga malalaking bahay kalakal sa pulo sa paglipas ng panahon. Mayroon na umanong mga kautusang nagmula sa Department of Environment and Natural Resources sa mga mangangalakal na basta na lamang nakapagtayo ng kanilang gusali.
Ayon kay Gng, Marlene Dado Jante, pangulo ng Philippine Travel Agencies Association, ang kanilang mga kasapi na may mga pasilidad sa Boracay ay tumutugon sa mga batas pangkapaligiran at pangkalikasan kaya't ang mungkahi nila bilang samahan ay magkaroon lamang ng partial closure ang Boracay.
Kailangan umano nilang mabatid kung anu-ano ang mga palatuntunang ipatutupad ng Department of Tourism at mga kasama sa inter-agency committee upang mapanatag ang kalooban ng madla.
Sa likod ng pahayag ng Department of Labor and Employment na tutulungan sa pamamagitan ngpansamantalang hanapbuhay ang may 5,000 manggagawa sa Boracay, sinabi ni Gng. Jante na kailangang mabatid ang buong detalyes ng pahayag na ito.
Mayroon umano silang higit sa 20 kasapi sa Boracay na sumusunod sa lahat ng mga kautusan at mga regulasyon.
Idinagdag ni Cesar Cruz, pangulo ng Philippine Tour Operators Association na ikinababahala nila ang pag-alis ng mga pinagtitiwalaang mga kawani sa oras na magsara na ang mga pasilidad sa Boracay.
Malaki umano ang posibilidad na mangibang-bansa na ang mga ito at mahihirapan na ang mga may bahay-kalakal na maghanap ng mga de kalidad na manggagawa. Magsasanay na naman umano sila ng mga bagong kawani kung sakaling tumuloy na ang mga mawawalan ng hanapbuhay na mangibang-bansa.
Sa panig ng mga media, sinabi ni Asst. Secretary Alegre na kailangan ng accreditation mula sa Department of Tourism ang mga mamamahayag na dadalaw sa Boracay. Ang mga foreign correspondent na mayroong accreditation sa International Press Center ay makapapasok sa Boracay upang magbalita ng mga nagaganap doon. Ang mga mamamahayag mula sa iba't ibang tanggapan ay kailangang kumuha ng accreditation at pahintulot sa Department of Tourism upang makapag-ulat ng mga nagaganap sa ipasasarang island-resort.
Inamin din ni G. Cruz, na puno na ang Boracay at kailangang magkaroon din ng iba pang maimumungkahing dadalawin ang mga turista, maging lokal o mga banyaga man.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |