Impeachment laban kay Chief Justice Sereno, ipinamamadala na ni Pangulong Duterte
NAPIKON si Pangulong Duterte sa pasaring ni Chief Justica Maria Lourdes Sereno na humiling na rendahan si Solicitor General Jose Calida, ang utak sa quo warranto petition sa Korte Suprema.
Bilang tugon sa pasaring ni Chief Justice Sereno, sa press conference ni Pangulong Duterte mula sa Davao City kanina, sinabi ng pangulo na kailangang madaliin na ang proceso sa House of Representatives na nasa ilalim naman ni Speaker Pantaleon Alvarez.
Magugunitang nagparating ng quo warranto petition si Solicitor General Jose Calida laban kay Chief Justice Ma. Lourdes Sereno.
1 2 3 4