Kasaysayan, mahalaga sa lipunan
ANG pagtuturo ng Kasaysayan ay mahalaga sa larangan ng Edukasyon at Kultura. Ito ang paninindigan nina Dr. Rowena Hibanada ng Philippine Normal University at G. Mauro Gia Samonte, isang manunulat sa pahayagang Manila Times at kialal ring direktor sa larangan ng pelikulang Pilipino. Marami umanong nakaliligtaan ang mga kabataan sapagkat kulang ang kaalaman ng mga guro at iba pang mga kinikilalang tao sa lipunan.
Ani G. Samonte, mas matindi ang pinsalang idinulot ng kapabayaan ng mga America bago sumuko ang mga kawal nito at mga kabilang sa USAFFE at Philippine Scouts noong ikasiyam ng Abril noong 1942.
Kung hindi umano pinagbawalan ni General Douglas McArthur ang pagpapadala ng pagkain, bala at iba pang kagamitan sa Bataan at Corregidor, hindi sana napitilang sumuko ang mga kawal na nagtatanggol sa baybay-dagat ng Bataan.
Nagmungkahi rin sina Dr. Hibanada at G. Samonte na pag-aralang mabuti ang pagsasama ng Kasaysayan at kahalagahan ng mga museo sa dadalawin ng mga mag-aaral sa kani-kanilang field trips.
1 2 3 4