Mga napiit na tauhan ng Embahada ng Pilipinas sa Kuwait, palalayain na
PALALAYAIN na ang tatlong mga tauhan ng Embahada ng Pilipinas sa Kuwait sa loob ng dalawa hanggang tatlong araw.
Magaganap ito matapos magpulong ang mga kinatawan ng Pilipinas at Kuwait kaninang umaga. Sumangayon ang Kuwait government na palayain ang mga tsuper. Sumangayon sa pulong ng magkabilang panig na palayain na sa susunod na linggo ang nabimbin sinahi ng insidente.
Hindi nabatid kung aalisin na ang sumbong na kidnapping laban sa mga tsuper na kinuha ng mga opisyal sa embahada ng Pilipinas sa mayamang bansa. Unang lumabas ang balitang nagtago sa embahada ang mga akusado.
Baka magkaroon ng susog sa nakatakdang lagdaang kasunduan ng magkabilang-panig sa loob ng ilang araw.
1 2 3 4