|
||||||||
|
||
Opisyal ng isang kumpanya, nahatulang mabilanggo ng 385 taon
ISANG opisyal ng isang pribadong kumpanya ang napatunayang nagkasala ng paglabag sa money laundering act at nahatulang mabilanggo ng 385 taon.
Ayon sa pahayag ng Anti-Money Laundering Council, nilagdaan ni Judge Caridad M. Walse-Lutero ang hatol na nagpatunay sa pagkakasala ng isang Anabella C. Ylagan ng 55 counts ng money laundering at hinatulang mabilanggo ng pitong taon sa bawat paglabag sa batas.
Napatunayan ng financial intelligence unit na naglipat si Ylagan ng pondo mula sa bank accounts ng kanyang amo sa tatlong bangko patungo sa isang bank account na kanyang ipinangalan sa isang Lourdes R. Liu at isang kumpanyang binuo ng akusado. Kabilang sa pinagagawa ng akusado ay ang pagpapadala ng mga palsipikadong liham, pag-uutos ng paglilipat ng pondo mula sa bank account ng kanyang amo tungo sa kanyang sariling bank account. Nakaipon ang akusado ng P 12 milyon sa loob ng apat na taon.
Nadiskubre ang katiwalian ng tumawag ang isang taga-bangko sa kumpanya at nagtatanong kung mayroong ipinalilipat na pondo. Nagkataong wala sa tanggapan ang akusado kaya't nalamang walang kautusang mula sa kumpanya na maglipat ng salapi sa ibang bank account. Nagsimula na ang imbestigasyon at inamin ng akusado na naglipat nga siya ng pondo at nagbukas ng mga palsipikadong bank accounts. Kinasuhan din siya ng Qualified Theft at Qualified Theft through Falsification of Private Documents.
Napatunayan ding nagkasala ang akusado at pinagbabayad ng halos P 10 sa pinsalang natamo ng kumpanya mula sa mga transaksyon.
Nasa loob na ng Correctional Institute for Women si Bb. Ylagan. Hanggang 40 taon lamang ang aktuwal ng pagkakabilanggo sa sinumang mahahatulan sa Pilipinas ayon sa Revised Penal Code kahit pa gaano kahaba ang hatol mula sa mga hukuman.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |