|
||||||||
|
||
20180903 Melo Acuna
|
UMALIS kahapon si Pangulong Rodrigo Duterte at nagtungo sa Israel upang makausap sina Prime Minister Benjamin Netanyahu at Pangulong Reuven Rivlin kahapon ng hapon. Kasama niya ang ilang mga opisyal ng pamahalaan at mga mangangalakal.
Sa kanyang talumpati sa Ninoy Aquino International Airport Terminal II, sinabi ng pangulo ng ang kanyang pagdalaw ay sa paanyaya nina Prime Minister Netanyahu at ng Hari ng Jordan na si King Abdullah II. Magtatagal ang kanyang paglalakbay sa Israel hanggang sa Miyerkoles at magtutungo naman sa Jordan sa darating na Miyerkoles at maglalakbay pabalik sa Pilipinas sa darating na Sabado, ikawalo ng Setyembre.
Binanggit ni Pangulong Duterte na may mga 28,000 mga Filipino sa Israel at mayroong 48,000 mga Filipino sa Jordan. Walang ibinigay na paliwanag subalit sinabi niyang "kritikal" ang kalagayan ng bahaging iyon ng daigdig.
Kailangan umanong matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng mga Filipino sa Gitnang Silangan na aabot sa dalawang milyon.
Pag-uusapan nila ng mga lider ng Israel ang mga isyung mahalaga sa dalawang bansa, sa larangan ng defense and security, law enforcement, trade and investments samantalang paksa niya sa Jordan ang mga bagay sa pagpapanatili ng kaunlaran, pagtugon sa panganib ng transnational crimes, tanggulang pambansa at maging kalagayan ng mga manggagawa.
Sasaksi rin si Pangulong Duterte sa paglagda ng mga kasunduan ng mga mangangalakal na Israeli at Filipino.
Nakausap na ni Pangulong Duterte ang mga kabilang sa Filipino community sa Ramada Hotel sa Jerusalem kagabi.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |