|
||||||||
|
||
Kalakal ng European Union at Pilipinas, gumaganda
NOONG nakalipas na taon, umabot sa € 14.1 bilyon ang imports at exports sa pagitan ng Pilipinas at European Union. Ito ang sinabi ni European Union Head of Delegation Franz Jessen sa kanyang talumpati sa EU-Philippines Business Summit kanina.
Ang European Union ang pangalawang pinakamalaking pinadadalhan ng mga produktong mula sa Pilipinas dahilan na rin sa halos € 2 bilyong exports tungo sa European Union dahil sa Generalised Scheme of Preferences Plus.
KALAKALAN SA PAGITAN NG EU AT PILIPINAS, MASIGLA. Higit na gaganda ang kalakal sa pagitan ng Pillipinas at EU sa mga susunod na panahon. Ito ang pag-asa ni Ambassador Franz Jessen sa kanyang talumpati kanina sa EU-Philippines Business Summit. (Melo M. Acuna)
Makasasabay ang European Union sa America at Tsina at sa pagkakataong ito, makikinabang din ang Pilipinas.
Noong nakalipas na taon, nagpadala ang may 800,000 mga Filipinong naninirahan sa iba't ibang bansa sa EU ng US$ 3.4 bilyon kabilang na rin ang may 28,000 mga magdaragat na sakay ng mga barkong pag-aari ng kanilang mga mamamayan. Umabot na rin sa 553,000 ang mga turistang mula sa EU na dumalaw sa Pilipinas.
Umaasa si Ambassador Jessen na higit na sisigla ang mga mangangalakal na Filipino sa pagpasok sa European Union sapagkat ngayon ay ika-42 lamang na pinakamalaking kakalakal ng EU. Hindi rin aabot sa 35% ang trade flows sa pagitan ng EU at iba pang mga bansa sa rehiyon na kinabibilangan ng mga Thailand at Malaysia.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |