SASALUBUNGIN nina Pangulong Rodrigo Duterte at Defense Secretary Delfin Lorenzana ang tatlong batingaw ng Balangiga na magmumula sa Estados Unidos.
Ganap na ika-sampu ng umaga, darating ang eroplanong kinasasakyan ng mga kampana. Magaganap ang handover ceremonies sa ganap na ala-una y media ng hapon sa Philippine Air Force Grandstand sa Villamor Air Base. Ipagkakaloob ng UU Department of Defense ang mga batingaw kay Defense Secretary Delfin N. Lorenzana sa ngalan ng Department of National Defense mula kay US Ambassador to the Philippines Sung Yong Kim.
May mensaheng babasahin ang kinatawan ni Defense Secretary Jim Mattis sa simpleng seremonya.
Samantala, sinabi ni Secretary Lorenzana na unang hiniling ni Eugenio Daza noong 1935 sa America na ibalik na ang mga batingaw. Si G. Daza, ayon kay G. Lorenzana, ang namuno sa mga sumalakay na rebelde sa kuta ng mga Americano. Magugunitang nasawi ang 48 mga kawal ng America kaya't gumanti ang mga banyaga at pinatay ang lahat ng mamamayang mag kakayahang magdala ng sandata.
Sa darating na Sabado, ika-15 ng Disyembre, dadalhin naman ang mga batingaw pabalik sa Balangiga sa Eastern Samar.
1 2 3 4