|
||||||||
|
||
Pangulong Duterte, humiling na ituloy ang Martial Law sa Mindanao
SINABI ni Executive Secretary Salvador Medialdea na hiniling na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga mambabatas na magkaroon pa ng extension ang Martial Law sa Mindanao.
Hinihiling ni Pangulong Duterte na magkaroon pa ng isa pang taon sa pagpapanatili ng Martial Law sa Mindanao.
Nagrekomenda na ang pulisya at militar ng dagdag na panahon ng pagpapatulad ng Martial Law.
Naideklara ang Martial Law sa Mindanao noong ika-23 ng Mayo 2017 matapos sumalakay ang mga Maute na may simpatiya sa ISIS ng Gitnang Silangan. Dalawang ulit nang nagkaroon ng extension ang Martial Law sa Mindanao. Magtatapos ang ikalawang extension nito sa Lunes, ika-31 ng Disyembre.
Sinabi naman ni House Majority Leader Rolando Andaya, Jr. na wala pa silang natatanggap na anuman mula sa Malacanang subalit pagbibigyan nila ang kahilingan ng Palasyo. Nararapt lamang magkaroon ng Legislative – Executive committee meeting upang maipaliwanag ang mga posisyon ng sandatahang lakas at ng pulisya sampu na ng intelligence community.
Sa pagpapanatili ng Martial Law, magaganap ang warrantless arrests sa mga pinaghihinalaang sangkot sap ag-aalsa laban sa pamahalaan. Kailangan lamang makasuhan ang mga madarakip sa loob ng tatlong araw sapagkat kung hindi ay makalalaya ang mga ito.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |