|
||||||||
|
||
Pangunahing Sangkap
1 buong manok, tumitimbang ng mga 600-700 grams
Seasonings
200 grams ng vegetable oil
30 grams ng blackwood mushrooms, ibinabad sa tubig
30 grams ng tuyong labong, ibinabad sa tubig
30 grams ng dry lily, ibinabad sa tubig
2 itlog, puti lang ang gagamitin
10 grams ng asin
20 grams ng asukal
20 grams ng soy sauce
30 grams ng shallot
50 grams ng wheat flour
10 grams ng bawang, ginayat
30 grams ng mixture of cornstarch and water
Paraan ng Pagluluto
Hiwain ang manok nang pa-cube sa sukat na 3 centimeters ang bawat gilid tapos ilagay sa isang palangganita o malalim na plato. Idagdag ang wheat flour, puti ng itlog at asin tapos haluin.
Mag-init ng 80 grams ng vegetable oil sa kawali. Iprito ang balot ng wheat flour na chicken cubes. Hanguin pag golden brown na ang kulay.
Initin ang natitirang vegetable oil. Igisa ang shallots at bawang. Idagdag ang day lily, blackwood mushroom, labong, soy sauce, asin, asukal at ang ipiniritong chicken cubes. Bawasan ang apoy at kulubin sa loob ng 30-35 minutes.
Idagdag ang mixture of cornstarch and water. Dagdagan ang apoy para sumingaw ang ibang sabaw. Pag nag-evaporate na ang 90 percent ng sabaw, hanguin at ihain.
Pwede ring wisikan ng 10 grams ng sesame oil para madagdagn ang bango at kulay ng chicken cubes.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |