|
Ika-6 ng Marso
Sa mahigit 2000 kagawad ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC), maraming kagawad mula sa iba't ibang relihiyon. Noon, sinabi sa akin ng mga beteranong mamamahayag na mapalad kung iinterbiyuhin ang mga kagawad mula sa sektor ng relihiyon at ngayon, nakatagpo ako ng gayong pagkakataon sa pakikipag-interbyu sa kanila.
Sa pook na pinagdarausan ng kapulungan, isang ngumingiting mukha ang nakaakit sa akin. Ang ngiting ito ang nagpaluwag sa pagkanerbiyoso ko. Siya si Jinwei, babaeng kagawad sa litrato sa webpage na ito at Kristiyano siya.
Nagmamadali pala siya para magdasal, nguni't, nang alam niyang gusto kong interbiyuhin siya, napagpasiyahan niyang tanggapin ako muna. Sa panayam, nananatili ang ngiti sa kaniyang pisngi at mahinhin din ang boses niya.
Sa aming pag-uusap, nakakaramdam ako ng bait at bighani ng isang babae at diwa ng isang Kristiyano na maibigin sa pagbibigay-tulong sa ibang tao.
Iklik ang mga numero sa ibaba para sa talaarawan noong nakaraang araw.
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16
|