|
Ika-12 ng Marso
Sa unang 2 kuhang-larawan sa webpage na ito, makita kayo ang dalawang Chinese ink and wash--isang uri ng tradisyonal na Chinese painting. Lubos na magkakaiba sa painting pinagmumulan ng bansang kanluranin, ang estilo ng Chinese ink and wash ay ulirang tradisyong oriental.
May di-kukulangin sa isang libong taong kasaysayan ang Chinese ink and wash, tulad ng kaligarapiya ng Tsina, kinakatha ang ganitong painting sa pamamagitan ng Chinese ink. Sa kasalukuyan, nananatiling kinagigiliwan ang Chinese ink and wash sa Tsina at daigdig. Ang naturang 2 painting ay kinatha ng tao sa ika-3 kuhang-larawan, ito si Zheng Junli, isang kilalang pintor, propesor at kagawad ng CPPCC.
Si Zheng ay galing sa Rehiyong Autonomo ng Guangxi at ang Ilog ng Lijiang dito ay isa sa mga pinakamagandang lugar sa Tsina, kaya, si Zheng at iba pang pintor sa Guangxi ay tinaguriang "Lijiang Grupo". Bilang isang propesor, nagtuturo si Zheng sa Akademiya ng Belyas Artes ng Guangxi at may maraming kabataan dito para mag-aral at magmana ng tradisyonal na Chinese painting.
Iklik ang mga numero sa ibaba para sa talaarawan noong nakaraang araw. 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16
|