• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-03-02 22:12:11    
Talaarawan ng Mamamahayag

CRI

Ika-5 ng Marso

Sa kasaluluyan, idinaraos dito sa Beijing ang unang sesyon ng Ika-11 NPC, Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina at Ika-11 CPPCC, Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mamamayang Tsino. Ito ay nagsisilbi isang makabuluhang pangyayari sa pamumuhay na pulitikal ng mga mamamayang Tsino na may mahigpit na kinalaman sa pamumuhay ng bawat isa, kaya, ito ay lubos na pinag-uukulan ng pansin ng mga mamamayan. Bukod dito, ang tauang pulong ng NPC at CPPCC sa taong ito ay ang kauna-unahang pulong pagkaraan ng pagpapalit nito. Tatalakayin sa pulong ang mga bagong paksa, kaya, lubos na sinasubaybayan ito ng mga tao sa iba't ibang saray ng lipunan.

Si Zhang Suorong, isang 60 taong gulang na retiradong karde, tulad ng dati, pagkaraang buksan ang sesyon ng NPC, lubos na pinapansin niya ang mga nilalaman ng working report ng pamahalaan at seryuso siyang bumasa ng mga ito. Sinabi niyang ang working report ay nagsilbing paglagom sa mga gawain ng pamahalaan noong nagdaang taon at sinuri rin nito ang kalagayan sa pagtupad sa mga tungkuling itinakda sa pulong ng nakaraang NPC. Nitong ilang taong nakalipas, ikinasisiya ni Zhang

suorong ang patuloy na pagdaragdag ng pamahalaan ng pansiyon sa mga retiradong tauhan. Sinabi niyang ang asawa niya ay nag-retira mula bahay-kalakal, 400 Yuan, RMB lamang ang kanyang pensiyon noong panahon, pero, sa kasalukuyan, lumampas na ito sa isang libong Yuan, masayang masaya siya.

Iklik ang mga numero sa ibaba para sa talaarawan noong nakaraang araw.

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16