Ayon sa ulat, plano ng Amerika na dahil sa ugnayang militar, hihigpitan nito ang 89 na kumpanyang Tsino at ipagbabawal ang kanilang pagbili ng mga produkto at teknolohiyang Amerikano.
Kaugnay nito, ipinahayag nitong Lunes, Nobyembre 23, 2020 sa Beijing ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na buong tinding tinututulan ng panig Tsino ang walang batayang pagpigil at pag-atake sa mga kompanyang Tsino. Paulit-ulit aniyang nagpahayag ang panig Tsino ng solemnang paninindigan tungkol dito.
Tinukoy ni Zhao na ang mga ginawa ng panig Amerikano ay grabeng lumalabag sa prinsipyo ng kompetisyon sa merkado at pandaigdigang regulasyong pangkabuhayan at pangkalakalan. Ito ay tiyak na makakapinsala sa pambansang kapakanan at sariling imahe ng Amerika, dagdag pa niya.
Salin: Lito
Pulido: Mac