CMG Komentaryo: Mga mungkahi ng Tsina, makakatulong sa pagtatatag ng mas mahigpit na komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina at ASEAN

2020-11-28 14:09:20  CMG
Share with:

Sa kanyang video speech sa seremonya ng pagbubukas ng Ika-17 China-ASEAN Expo (CAEXPO) at China-ASEAN Business and Investment Summit (CABIS), na idinaos kahapon, Biyernes, ika-27 ng Nobyembre 2020, sa Nanning, punong lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi ng Tsina, iniharap ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang 4 na mungkahi tungkol sa pagtatatag ng mas mahigpit na komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

 

Ipinakikita nito ang buong tapat na hangarin ng Tsina sa patuloy na pagpapasulong ng kooperasyong Sino-ASEAN, at pagpapataas pa ng lebel ng relasyon ng dalawang panig.

 

Ang mga mungkahi ni Pangulong Xi ay sumasaklaw sa hindi lamang koordinasyon ng mga macro-strategy plan ng iba't ibang bansa at sa buong rehiyong ito, kundi rin mga konkretong kooperasyon sa mga aspektong gaya ng digital economy; pagdedebelop, pagpoprodyus, at paggamit ng mga bakuna kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

 

Nakatuon ang mga mungkahi sa kapwa mga pangkagipitang isyu at pangmalayuang kooperasyon. Makakabuti ito sa pagtulong sa mga bansang ASEAN sa paglaban sa pandemiya ng COVID-19, at pagpapasulong din sa pagbangon ng kabuhayang panrehiyon at pandaigdig.

 

Salin: Liu Kai

Please select the login method