CMG Komentaryo: Pangako ng Tsina kaugnay ng bakuna laban sa COVID-19, natutupad

2020-12-10 15:28:06  CMG
Share with:

Ipinatalastas nitong Miyerkules, Disyembre 9, 2020 ng Ministri ng Kalusugan at Prebensyon ng United Arab Emirates (UAE) ang opisyal na rehistrasyon ng bakuna laban sa COVID-19 na idinebelop ng China National Pharmaceutical Group, o Sinopharm.
 

Ilang araw nauna rito, ipinadala sa Prepekturang São Paulo, Brazil ang ika-2 pangkat ng 1 milyong dosis ng bakuna mula sa Tsina.
 

Dagdag pa riyan, dumating na rin sa Indonesia ang unang pangkat ng 1.2 milyong dosis ng bakunang Tsino.
 

Samantala, sa katatapos na G20 Summit, nangako si Pangulong Xi Jinping ng Tsina na ipagkakaloob ang tulong at suporta sa ibang umuunlad na bansa, at magpupunyagi ang kanyang bansa para maging produkto ng pampublikong kalusugan, na magagamit at makakayanang bilhin ng mga mamamayan ng iba’t ibang bansa ang bakuna ng Tsina.
 

Sa kasalukuyan, kasabay ng maalwang pagsulong ng pananaliksik at pagdedebelop ng bakuna, nagiging katotohanan ang nasabing ekspektasyon ng panig Tsino.
 

Bilang bansang nangunguna sa daigdig sa aspekto ng pananaliksik at pagdedebelop ng bakuna, sumapi ang Tsina sa Vaccines Global Access (COVAX), upang mapasulong ang patas na distribusyon ng bakuna, at maigarantiya ang pagkakaloob ng mga bakuna sa mga umuunlad na bansa.
 

Pero, sa kabila nito, pilit pa ring dinudungisan at sinisiraang-puri ng ilang pulitiko at mediang kanluranin ang Tsina.
 

Pinalaganap nila ang mga tsismis na “ginagamit umano ng Tsina ang bakuna bilang kagamitan sa geopolitics,” at “ninanakaw di-umano ng Tsina ang teknolohiya sa pagdedebelop ng bakuna mula sa mga bansang kanluranin.”
 

Bukod sa mga tangkang pulitikal, nais ng mga naturang politiko at media na lumikha ng tamang kondisyon para magkaroon ng mas malaking kota sa pamilihan ang mga bakunang gawa sa kanluran.
 

Sa kabilang dako, ang pagkilala ng ilang mahalagang partner sa bakunang Tsino ay pinakamagandang ganti sa nasabing mga tsismis.
 

Bilang isang responsableng bansa na sumusunod sa sariling pangako, kakatigan ng Tsina, tulad ng dati, ang mga mungkahi ng United Nations (UN) at World Health Organization (WHO); pahihigpitin ang kooperasyon sa iba’t ibang panig; bibigyan ng priyoridad ang pangangailangan ng mga umuunlad na bansa; at pasusulungin ang patas, balanse at makatwirang distribusyon ng bakuna.
 

Salin: Vera

Please select the login method