Bilang tugon sa desisyon ng Amerika na patawan ng sangsyon ang 14 na pangalawang tagapangulo ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina, sa katwiran ng isyung may kinalaman sa Hong Kong, inanunsyo nitong Huwebes, Disyembre 10, 2020 ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina na magkakaroon din ng katumbas na sangsyon laban sa Amerika.
Ani Hua, ipinasiya ng panig Tsino na patawan ng katulad na sangsyon ang mga opisyal ng pamahalaan, miyembro ng kongreso, at tauhan ng mga non-government organizations (NGO) na may masamang kilos at nagsabalikat ng pangunahing pananagutan sa mga isyung may kinalaman sa Hong Kong, at kani-kailang pinakamalapit na kamag-anakan. Samantala, ipinasiya rin ng panig Tsino na kanselahin ang visa exemption sa pansamantalang pagbisita sa Hong Kong at Macao ng mga diplomatang Amerikano.
Muling hinimok ng panig Tsino ang panig Amerikano na agarang itigil ang pakikialam sa mga suliranin ng Hong Kong at mga suliraning panloob ng Tsina, at huwag tumahak sa mapanganib at maling landas, dagdag ni Hua.
Salin: Vera