Xi Jinping sa mga personaheng di-kasapi sa CPC: Aktibong iharap ang mga mungkahi tungkol sa gawaing pangkabuhayan

2020-12-12 07:09:13  CMG
Share with:

Xi Jinping sa mga personaheng di-kasapi sa CPC: Aktibong iharap ang mga mungkahi tungkol sa gawaing pangkabuhayan

Idinaos kamakailan ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), kasama ng mga non-party members, ang pulong para talakayin ang gawaing pangkabuhayan sa susunod na taon.

 

Sa kanyang talumpati sa pulong, tinukoy ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC, na ang mga priyoridad ng gawaing pangkabuhayan sa susunod na taon ay kinabibilangan ng pagpapalakas ng de-kalidad na pag-unlad ng kabuhayan, pagtatatag ng bagong kayariang pangkaunlaran, pagkokoordina ng paglaban sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) at pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan, pagpapasulong sa katatagan ng kabuhayan at lipunan, at iba pa.

 

Nanawagan si Xi sa mga tauhang di miyembro ng CPC at mga walang kinabibilangang partido, na aktibong iharap ang mga palagay at mungkahi tungkol sa gawaing pangkabuhayan sa 2021 at pagtatakda ng Ika-14 na Panlimahang Taong Plano sa pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan.

 

Umaasa rin aniya siyang patuloy na isasabalikat ng naturang mga personahe ang pulitikal na responsibilidad, para tulungan ang CPC at pamahalaang Tsino sa paglutas ng mga mahirap na isyu sa mga aspektong may kinalaman sa pamumuhay ng mga mamamayan, at ibigay ang talento at lakas sa pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan ng Tsina.

 

Salin: Liu Kai

Please select the login method