CMG Komentaryo: Tangka ng pagsira sa kinabukasan ng relasyong Sino-Amerikano, tiyak na mabibigo

2020-12-12 10:15:00  CMG
Share with:

Nitong ilang araw na nakalipas, inilabas ng Kagawaran ng Estado ng Amerika ang bagong hakbanging nakakapinsala sa relasyong Sino-Amerikano.

 

Ang naturang mga hakbangin ay kinabibilangan ng paglilimita sa mga miyembro ng Partido Komunista ng Tsina at kani-kanilang mga kapamilya sa pagbiyahe sa Amerika, pagsuspendi ng limang proyekto ng pagpapalitang pangkultural ng Tsina at Amerika, pagpataw ng sangsyon laban sa mga pangalawang tagapangulo ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina, at iba pa.

 

Sinabi naman ni Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Amerika, na hindi mababawi ang kasalukuyang mga patakaran ng Amerika tungo sa Tsina.

 

Maliwanag ang intensyon ng naturang mga aksyon ng panig Amerikano. Layon nitong dalhin ang relasyong Sino-Amerikano sa pinakamababang lebel sa kasaysayan, at paliitin ang espasyo para panumbalikin ang matatag na relasyon ng dalawang bansa sa hinaharap.

 

Siyempre, tiyak na mabibigo ang tangkang ito.

 

Kamakailan, ipinahayag ng mga mataas na diplomatang Tsino ang pag-asang pabubutihin ang relasyong Sino-Amerikano sa susunod na yugto, at igagarantiya ang malusog at matatag na pag-unlad ng relasyong ito.

 

Nanawagan naman ang mga dating estadistang Amerikano sa susunod na administrasyon, na pantay-pantay na pakitunguhan ang Tsina, ayusin ang mga basag sa relasyong Sino-Amerikano, at balansehin ang kompetisyon at kooperasyon sa pagitan ng dalawang bansa.

 

Ang malusog at matatag na relasyong Sino-Amerikano ay angkop sa hindi lamang saligang kapakanan ng mga mamamayan ng dalawang bansa, kundi maging sa komong pag-asa ng komunidad ng daigdig.

 

Ang mga aksyon ng pagsira sa kinabukasan ng relasyong Sino-Amerikano ay tututulan ng lahat, at hindi magtatagumpay.

 

Salin: Liu Kai

Please select the login method