Ayon sa ulat ng Pambansang Telebisyon ng Iran, sinabi nitong Lunes, Disyembre 14, 2020 ni Pangulong Hassan Rouhani ng bansa na kung ipapatupad ng ibang signataryong panig ng Joint Comprehensive Plan of Action (JCPOA) ang mga napagkasunduan, nakahanda rin ang Iran na kilalanin ang kasunduan at ipatupad ang mga pangako.
Sa news briefing nang araw ring iyon, hinimok ni Rouhani ang susunod na pamahalaan ng Amerika na muling panumbalikin ang usapan sa JCPOA at ipatupad ang kaukulang pangako, sa ilalim ng pamumuno ni bagong halal na Pangulong Joe Biden.
Saad niya, hindi pahihintulutan ng Iran ang pagpapaliban ng Amerika ng pag-aalis ng sangsyon laban sa Iran. Magpupunyagi hangga’t makakaya ang pamahalaang Iranyo, upang hayaan ang mga mamamayang Iranyo na makahulagpos sa pasanin at maling sangsyon ng panig Amerikano.
Salin: Vera