Friendship Bags, pamasko para sa mga batang Maynila

2020-12-18 15:55:26  CMG
Share with:

Friendship Bags, pamasko para sa mga batang Maynila

Puno ng ngiti ang mga paslit mula Asociacion De Damas De Filipinas (ADF) nang tanggapin ang kanilang Friendship Bags galing sa Tsina. 

 

Bumisita sa nasabing bahay-ampunan ang mga kinatawan ng Pasuguang Tsino sa Pilipinas na pinangunahan ni Embahador Huang Xilian, upang ipamigay ang mga pamasko nitong Huwebes, ika-17 ng Disyembre, 2020. 

 

Friendship Bags, pamasko para sa mga batang Maynila

Friendship Bags, pamasko para sa mga batang Maynila

 

Ang ADF ay isang organisasyon sa Maynila na kumukupkop sa mga batang edad 6 na buwan hanggang 6 na taong gulang. Karamihan sa mga batang ito ay ulila,  may-kapansanan at nangangailangan ng espesyal na pag-aalaga. 

 

Ang mga Friendship Bags ay naglalaman ng mga pagkain at medikal na kagamitan. Bukod sa mga bags, inihanda rin ng pasuguang Tsino ang mga panda dolls at libro para sa mga bata.

 

Ipinahayag din ni Embahador Huang ang kahandaan ng pasuguan na patuloy na makipag-ugnayan at tumulong sa mga inaalagaan  ng ampunan. 


Nagpasalamat si Ms. Maribeth T. Florido, Presidente ng ADF sa mga regalo, maging sa  tulong para protektahan ang mga bata ng ADF laban sa pandemiya ng COVID-19.

Friendship Bags, pamasko para sa mga batang Maynila


Nang araw ring iyon, ang mga Friendship Bags, kasama ng 20 wheelchairs ay ibinigay rin ng pasuguang Tsino sa Missionaries of Charity Home for Abandoned/Neglected Elderly. 


Ang Friendship Bags ay isang proyekto na inilunsad ng Embahadang Tsino para tulungan ang mga Pilipino na malubhang naapektuhan ng kasalukuyang krisis pangkalusugan na dulot ng COVID-19.

 

Ulat:Ernest

Pulido: Mac/Jade 

Larawan: Pasuguang Tsino sa Pilipinas 

Please select the login method