Sinabi nitong Huwebes, ika-24 ng Disyembre 2020, ni Fahrettin Koca, Ministro ng Kalusugan ng Turkey, na epektibo at ligtas ang inactive virus vaccine "CoronaVac" na idinebelop ng Sinovac Biotech Ltd. ng Tsina.
Sinimulan nitong Setyembre 14 sa Turkey ang phase-3 clinical trial ng CoronaVac.
Ayon kay Koca, batay sa resulta ng inisyal na pag-aaral, 91.25% ang protection rate ng bakunang ito, at walang natuklasang grabeng side effect.
Sinabi rin ni Koca, na inaprobahan na ng panig Tsino ang pagluluwas ng CoronaVac sa Turkey. Kung walang sagabal, ang unang pangkat ng 3 milyong dose ay darating sa Turkey sa susunod na Lunes, Disyembre 28, dagdag niya.
Salin: Liu Kai