Pagbabakuna laban sa COVID-19, sinimulan sa maraming bansa ng EU

2020-12-28 16:29:55  CMG
Share with:

Pormal na sinimulan nitong Linggo, Disyembre 27, 2020 ng maraming kasaping bansa ng Unyong Europeo (EU) ang pagbabakuna laban sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
 

Ang unang pangkat ng ginagamit na bakuna ay magkasanib na idinebelop ng Pfizer Pharmaceuticals Ltd. ng Amerika at BioNTech ng Alemanya.
 

Nauna rito, sinimulan nitong Sabado sa mga bansang gaya ng Alemanya, Hungary at Slovakia ang pag-iiniksyon ng bakuna.
 

Ang EU ay hindi ang unang rehiyon kung saan ginamit ang nasabing bakuna, dahil nauna itong ginamit ng Amerika, Britanya at iba pang bansa.
 

Salin: Vera

Please select the login method