Sa taong 2020, isinakatuparan ng Tsina ang target sa pagpawi ng ganap na karalitaan.
Natamo ng bansa ang breakthrough hindi lamang sa resulta ng pagpawi ng karalitaan, kundi rin sa mga bagong hakbangin sa usaping ito.
Sa Rehiyong Awtonomo ng Uygur ng Xinjiang, sa pagtataguyod ng pamahalaang munisipal ng Beijing, inilipat sa lokalidad ang industriya ng pagpapalaki ng mga pato para sa putaheng Beijing Roast Duck.
Dahil dito, nabigyan ng trabaho ang maraming lokal na mamamayan sa industriyang ito at mga may kinalamang industriyang gaya ng pagpoproseso, paghahatid, paggawa ng pakain para sa pato, at iba pa.
Sa pamamagitan nito, patuloy na lumalaki ang kani-kanilang kita.
Sa mga lalawigan ng Gansu at Guizhou, iba ang kalagayan.
Sa halip na paglilipat ng mga industriya mula sa ibang lugar, pinauunlad nila ang sariling mga industriyang may tradisyonal na bentahe, na gaya ng paggawa ng sapatos at pagbuburda.
Binibigyang-tulong ng mga lokal na pamahalaan ang mga maliit na negosyo sa mga aspekto ng pondo, suplay ng mga hilaw na materyal, paghahatid at pagbebenta ng mga produkto, at iba pa.
Malaking tulong ito sa pagdaragdag ng kita ng mga lokal na mamamayan.
Samantala, sinusuportahan din ng Tsina ang pag-unlad ng mga industriya sa mga mahirap na lugar, sa pamamagitan ng iba't ibang paraan.
Halimbawa, tintulungan ang mga magsasaka para i-promote at ibenta ang mga produktong agrikultural sa pamamagitan ng livestreaming sale at E-commerce.
Inilatag din ang mga haywey sa mga liblib na lugar, para paginhawahin ang paghahatid ng mga produkto.
Ang pagbibigay-tulong sa mga mahihirap sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng industriya at pagsuporta sa kanilang pagpasok sa pamilihan ay isang breakthrough ng Tsina sa mga paraan ng pagpawi ng karalitaan.
Ipinalalagay naman ng mga dayuhang eksperto, na ang paraang ito ay nakatuon sa ugat ng isyu ng karalitaan, at makakatulong ito sa pagpapalakas ng sariling kakayahan ng mga mahihirap para makahulagpos sa karalitaan.
Ito anila ay karanasang karapat-dapat na tularan ng iba pang mga umuunlad na bansa para pawiin ang karalitaan.
Salin: Liu Kai
Mga keyword sa 2020: "Kompiyansa," tungo sa matagumpay na pag-ahon at masaganang kinabukasan
Mga keyword sa 2020: "Pagkakaisa," magdudulot ng pag-asang mapagtatagumpayan ang kahirapan
Pangarap ng 2020: Pagsisikap at pakikipagtulungan ng Tsina sa sama-samang paggagalugad ng kalawakan
Top 10 pinakamalaking balita sa Tsina ngayong 2020, pili ng CMG
Top 10 pinakaimpluwensyal na balitang pandaigdig sa taong 2020, pinili ng China Media Group