CMG Komentaryo: “Kalutasang Tsino,” nagbibigay ng direksyon sa paglutas sa mga isyung pandaigdig

2021-01-26 16:06:29  CMG
Share with:

Sa kanyang espesyal na talumpati nitong Lunes ng gabi, Enero 25, 2021 sa virtual Dialogue Meeting ng “Davos Agenda 2021” ng World Economic Forum (WEF), sistematikong sinagot sa Beijing ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang tanong na “Anong multilateralismo ang kinakailangan ng daigdig?” bagay na nakapagbigay ng direksyon sa pandaigdigang kooperasyon sa paglaban sa pandemiya ng COVID-19, pagbangon ng kabuhayang pandaigdig, at pagsasaayos sa daigdig sa post-pandemic era.

 

Sa kasalukuyan, nakapasok ang daigdig sa panahon ng maligalig na pagbabago, at idinudulot ng unilateralismo at proteksyonismo ang banta sa kapayapaan at kaunlarang pandaigdig.

 

Sa kanyang talumpati, malinaw na tinukoy ni Xi na hindi dapat isagawa ang unilateralismo sa pangangatuwirang multilateralismo, at hindi dapat maging pagpili ng daigdig ang may pasubaling multilateralismo. Ang mga ito ay nagpapakita ng kahalagahan ng napapanahong pagpapaunlad ng multilateralismo.

 

Sinabi ni Serik A.Korzhumbayev, Editor-in-Chief ng Business Kazakhstan, na ang malalimang paglalahad ni Xi tungkol sa pagsasagawa ng multilateralismo, ay nakakapagbigay ng direksyon para sa pag-unlad ng buong mundo.

 

Kasalukuyang kumikilos ang Tsina sa pangangalaga sa multilateralismo. Patuloy at aktibong pakikilahok sa pandaigdigang kooperasyon sa pakikibaka laban sa pandemiya, pagsasagawa ng estratehiya ng pagbubukas, pagpapasulong ng sustenableng pag-unlad, pagpapasulong ng inobasyong pansiyensiya’t panteknolohiya, pagpapasulong ng pagtatatag ng bagong relasyong pandaigdig, at iba pang mga hakbanging ibinahagi ni Pangulong Xi sa kanyang talumpati, ay lubos na nagpapakita ng determinasyon at pagsisikap ng isang malaking bansa para sa paggigiit ng multilateralismo. Sinabi ni Jannie Rossouw, Dean ng Economy at Business ng University of the Witwatersrand, na napapatingkad ng Tsina ang mahalagang papel sa pagpapasulong ng kooperasyong pandaigdig. Nananalig aniya siyang sa hinaharap, makakapagbigay ang Tsina ng mas maraming ambag.


Salin: Lito

Pulido: Mac

Please select the login method