[Op-Ed] Pangulong Tsino, lubos na pinahahalagahan ang mapayapang pag-unlad

2021-01-28 18:44:24  CMG
Share with:

[Op-Ed] Pangulong Tsino, lubos na pinahahalagahan ang mapayapang pag-unlad_fororder_13313763770162321627

 

Pagkaraang maging lider ng partido at estado ng Tsina, laging inilahad sa daigdig ni Xi Jinping ang tungkol sa mapayapang pag-unlad ng Tsina, bilang nukleo ng kanyang kaisipang diplomatiko.

 

Noong Enero ng 2013, ipinatawag ni Xi ang pulong ng liderato ng Tsina, kung saan binigyang-diin niyang patatagin ang determinasyon ng bansa sa mapayapang pag-unlad.

 

Pagkatapos nito, sa pagsususog sa Konstitusyon ng Tsina na ginawa noong Marso 2013, inilakip ang bagong bersyon ng Konstitusyon ang nilalaman tungkol sa paggigiit ng Tsina sa mapayapang pag-unlad.

 

Noong Marso 2014, sa kanyang talumpati sa Körber Foundation ng Alemanya, sinabi ni Xi, na kinakailangan ng Tsina ang kapayapaan, na parang kinakailangan ng sangkatauhan ang oksigeno, at kinakailangan ng lahat ng mga buhay na bagay ang sikat ng araw.

 

Dagdag ni Xi, ang patakaran ng Tsina sa mapayapang pag-unlad ay hindi pansamantalang patakaran o pananalitang diplomatiko. Pinatutunayan aniya ng kasaysayan at katotohanan, na ang mapayapang pag-unlad ay siyang tanging tamang pagpili na makakabuti sa Tsina at daigdig. Kaya igigiit din ito ng Tsina sa hinaharap, diin niya.

 

Sa kanya namang pagdalaw sa Mongolia noong Agosto 2014, ipinahayag ni Xi ang kahandaan ng Tsina, na sa pamamagitan ng mapayapang pag-unlad, ibahagi sa ibang mga bansa ang mga pagkakataon para sa komong kaunlaran.

 

Ipinaliwanag din niyang, ang mapayapang atmosperang pandaigdig ay makakabuti sa pagsasakatuparan ng iba't ibang bansa ng pag-unlad.

 

Sa kanya namang talumpati sa parliamento ng Australya noong Nobyembre 2014, inulit ni Xi ang paggigiit ng Tsina sa mapayapang pag-unlad, at ipinahayag niya ang pag-asang igigiit din ng iba't ibang bansa ng daigdig ang mapayapang pag-unlad.

 

Dagdag niya, dapat buong pagkakaisang harapin ng iba't ibang bansa ang mga elementong magbabanta at makakapinsala sa kapayapaan, para buuin ang daigdig na may pangmatagalang kapayapaan at komong kasaganaan.

 

Sa pinakahuli namang talumpati noong Oktubre 2020, binigyang-diin ni Xi, na ang mapayapang pag-unlad ay mahalaga bilang tugon sa lumalalang unilateralismo, proteksyonismo, at hegemonismo sa daigdig.

 

Aniya, sa harap ng mga kahirapan at hamon sa daigdig, kung igigiit ng iba't ibang bansa ang mapayapang pag-unlad, tiyak na darating ang magandang kinabukasan ng sangkatauhan.

 

Salin: Liu Kai

Please select the login method