Nitong 4 na taong nakalipas, dahil sa maling pagkaunawa sa Tsina, isinagawa ng pamahalaang Amerikano ang agresibong patakaran tungo sa Tsina. Nagresulta ito sa isang lubos na mahirap na panahon ng relasyong Sino-Amerikano, at malaki ring kapinsalaan sa kapayapaan at katatagan ng buong daigdig.
Ang tumpak na pagkaunawa sa Tsina ay paunang kondisyon ng pagbuo ng bagong pamahalaan ng Amerika ng obdiyektibo at mahinahong patakaran tungo sa Tsina. Ito rin ay susi sa normalisasyon ng relasyong Sino-Amerikano.
May dalawang pundamental na elemento para tumpak na unawain ang Tsina.
Sa isang banda, paulit-ulit na binigyang-diin ng lideratong Tsino, na ang saligang layunin ng pag-unlad ng Tsina ay pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayang Tsino, at umaasa ang Tsina, na isasakatuparan, kasama ng iba't ibang bansa ng daigdig na kinabibilangan ng Amerika, ang komong pag-unlad.
Sa mula't mula pa'y, walang kagustahan ang Tsina na baguhin, hamunin, o halinhan ang Amerika. Kaya naman, hindi dapat magbalak ang Amerika na baguhin ang Tsina o buuin ang isang bagong Tsina.
Sa kabilang banda, hindi nakikialam ang Tsina sa mga suliraning panloob ng Amerika. Dapat namang sundin ng Amerika ang prinsipyong Isang Tsina, at agarang itigil ang pakikialam sa mga suliraning may kinalaman sa soberanya at kabuuan ng teritoryo ng Tsina, na gaya ng mga suliranin ng Hong Kong, Tibet, Xinjiang, at iba pa.
Sa madaling sabi, nakahanda ang Tsina na isakatuparan, kasama ng Amerika, ang mapayapang pakikipamuhayan at kooperasyong may win-win result. Patuloy at buong tatag ding ipagtatanggol ng Tsina ang soberanya, katiwasayan, at kapakanan sa pag-unlad ng bansa. Ito ay dapat maging pundasyon para tumpak na unawain ng bagong pamahalaang Amerikano ang Tsina.
Salin: Liu Kai