Kinapanayam kahapon, ika-5 ng Pebrero, 2021 si Embahador Huang Xilian ng Tsina sa Pilipinas sa live program na The Source ng CNN Philippines kasama ng mamamahayag at TV host na si Pinky Webb.
Nang sagutin ang tanong na may kinalaman sa pagpasok ng Chinese research ship sa teritoryo ng Pilipinas, ipinaliwanag ni Embahador Huang na pumasok ang research vessel na Jia Geng noong ika-29 ng Enero para iwasan ang masamang panahon habang isinasagawa ang pananaliksik sa Karagatang Pasipiko at binigyan sila ng diplomatic clearance mula sa Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas. Sa katotohanan, nitong ilang taong nakalipas, laging tinutulungan ng isa't isa ang Tsina at Pilipinas sa ganitong mga makataong pagkakataon.
Lumisan na ng Pilipinas ang nasabing vessel noong unang araw ng Pebrero habang ine-escort ng Philippine Coast Guard, dagdag pa ni Huang.
Reporter: Sissi Wang