CMG Komentaryo: Kooperasyon ng Tsina at 17 bansa sa Gitna at Silangang Europa, susulong pa

2021-02-10 16:52:36  CMG
Share with:

Idinaos kahapon, Martes, ika-9 ng Pebrero 2021, sa pamamagitan ng video link, ang Summit ng Tsina at mga Bansa sa Gitna at Silangang Europa.

 

Sa kanyang talumpati sa summit, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na ang paggigiit sa multilateralismo at ideya ng win-win ay batayan ng mabubungang kooperasyon ng Tsina at 17 bansa sa Gitna at Silangang Europa.

 

Ipinahayag din ni Xi, na ang paglaban sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), mga proyekto sa ilalim ng Belt and Road Initiative, at berdeng pag-unlad ay mga pangunahing aspekto ng kooperasyon ng Tsina at naturang mga bansa sa susunod na yugto.

 

Ipinakikita ng talumpati ni Xi ang kahandaan ng Tsina, kasama ng mga bansa sa Gitna at Silangang Europa, sa pagharap sa mga hamon.

 

Itinuro rin nito ang direksyon ng pag-u-upgrade ng pragmatikong kooperasyon ng dalawang panig.

 

Salin: Liu Kai

Please select the login method