Yu Shui, tagapagdala ng biyayang ulan at panahon ng makukulay na kagawiang Tsino

2021-02-18 18:05:31  CMG
Share with:

 

Yu Shui, tagapagdala ng biyayang ulan at panahon ng makukulay na kagawiang Tsino_fororder_yushui_20210218180904

 

Ang Tsina ay isang tradisyunal na agrikultural na bansa.

 

Sa tulong ng agrikultura, umusbong ang maraming dinastiya at ibat-ibang kahariang humubog sa mayamang kultura, pambihirang mga pestibal, katakam-takam na pagkain, makukulay na kultural na seremonya, masayang pagtitipun-tipon ng pamilya, at iba pang mahalagang paniniwala ng mga Tsino.

 

Sa loob ng libu-libong taon at magpahanggang ngayon, ang agrikultura ay isa sa mga pundamental na basehan at angkla ng pag-unlad ng Tsina.

Yu Shui, tagapagdala ng biyayang ulan at panahon ng makukulay na kagawiang Tsino_fororder_VCG211173488574

 

Kaugnay nito, ginawa ng mga sinaunang Tsino ang Nong Li o Tradisyunal na Kalendaryong Tsino, upang maging kanilang gabay sa pag-a-araro; pagtatanim; pag-a-ani; pag-iimbak ng binhi, ani at pagkain; at iba pang gawaing agrikultural.

 

Bilang mahalagang gabay, hinahati  ng Nong Li ang isang taon sa 24 na solar term.

 

Ang mga solar term ang nagsasabi sa mga magsasaka kung anong klase ng panahon ang darating, at anong uri ng mga gawain ang akma sa bawat panahon.

 

Kaugnay nito, sumapit ngayong araw, Pebrero 18, 2021 ang ikalawang solar term na kung tawagin ay Yu Shui.

 

Ang Yu ay nangangahulugang Ulan, at ang Shui naman ay nangangahulugang Tubig, kaya ang Yu Shui ay literal na nangangahulugang Tubig-ulan.

 

Katulad ng ipinahihiwatig ng pangalan nito, mas magiging malimit ang pagbagsak ng ulan at magiging basa ang lupa sa panahon ng Yu Shui.

 

Magsisimula ring i-init ang panahon; mamumukadkad ang mga bulaklak; uusbong ang luntiang dahon ng mga damo, halaman at puno; matutunaw ang yelo sa mga ilog at lawa; at mag-uumpisang lilipad ang maiilap na gansa mula sa timog papuntang hilaga.

 

Yu Shui, tagapagdala ng biyayang ulan at panahon ng makukulay na kagawiang Tsino_fororder_1143245600540196869

Yu Shui, tagapagdala ng biyayang ulan at panahon ng makukulay na kagawiang Tsino_fororder_1143245600540196907

Mga magsasakang namimitas ng tsaa sa Nanchuan Distrito, Munisipalidad ng Chongqing, sa dakong timog-kanluran ng Tsina.  Pebrero 18, 2021.

 

Yu Shui, tagapagdala ng biyayang ulan at panahon ng makukulay na kagawiang Tsino_fororder_1143128459602165940

Yu Shui, tagapagdala ng biyayang ulan at panahon ng makukulay na kagawiang Tsino_fororder_1143128459602165995

 

Namumukadkad ang mga bulaklak sa Huai'an, lunsod sa lalawigang Jiangsu sa dakong silgangan ng Tsina. Pebrero 18, 2021.

 

Yu Shui, tagapagdala ng biyayang ulan at panahon ng makukulay na kagawiang Tsino_fororder_1143234175927189518

 

Umuusbong na ang mga sanga ng willow sa Yuncheng, lalawigang Shanxi sa dakong hilaga ng Tsina. Pebrero 18, 2021. 

 

Bukod pa riyan, marami pang mahalagang tradisyunal na paniniwala at kagawian ang mga Tsino tuwing Yu Shui, at ilan sa mga ito ang mga sumusunod:

 

Ang ulan ay katumbas ng buhay

 

Ayon sa isang matandang kasabihang Tsino, “Ang ulan sa tagsibol ay singhalaga ng langis.”

 

Ipinakikita ng kasabihang ito ang walang kapantay na kahalagahan ng biyayang dulot ng ulan sa agrikultura at mga pananim.

 

Ang pagbagsak ng ulan sa panahon ng Yu Shui ay itinuturing ng mga Tsino na masusing panahon ng pagpapatubig at irigasyon ng pananim, at ito ay nagdudulot ng panibagong buhay at pag-asa para sa maraming magsasaka.

 

Yu Shui, tagapagdala ng biyayang ulan at panahon ng makukulay na kagawiang Tsino_fororder_VCG111317815569

Yu Shui, tagapagdala ng biyayang ulan at panahon ng makukulay na kagawiang Tsino_fororder_VCG111317820989

 

Mga magsasakang Tsino sa iba't ibang lugar ng bansa habang nagtatanim. Pebrero 18, 2021.

 

Pagsasanggalang laban sa lamig

 

Bagamat magsisimulang iinit ang panahon sa pagpasok ng Yu Shui, ang madalas na pag-ulan ay magdudulot naman ng basang kapaligiran at panaka-nakang paglamig ng klima.

 

Kaya naman, kahit panahon ng tagsibol, suot pa rin ng mga Tsino ang kanilang makakapal na diyaket at kasuotan, lalo na ang matatanda at mga bata upang maipagsanggalang ang mga sarili sa panaka-naka at biglaang paglamig ng panahon dulot ng pag-ulan.

 

Ayon nga sa isang kasabihan,“Mas mabuti na ang sigurado, kaysa madehado.”

 

Ang Yu Shui ay isang kabanata kung kailan, nagsisimulang magkaroon ng mas komportableng panahon, ngunit kasabay nito, nariyan pa ring umaaligid ang nagmamaliw na lamig.

 

Pagbisita sa magulang ng mga babaeng may-asawa

 

Sa pagpasok ng unang araw ng Yu Shui, isang matandang kaugalian sa Tsina, lalo na sa dakong kanluran ng lalawigang Sichuan ang pagbisita ng mga babaeng may-asawa sa kanilang mga magulang, bilang tanda ng pasasalamat at pagbibigay-galang sa mga taong nag-aruga at nagpalaki sa kanila.

 

Kasama ang kanilang mga kabiyak at sariling pamilya, madalas iregalo ng mga dumadalaw na anak na babae sa kanilang mga magulang ang dalawang silyang gawa sa rattan o cane chair, na binalutan ng apat na metrong kulay pulang malasinturong tela.

 

Isa pang karaniwang regalo ay palayok ng estopadong paa ng baboy na sinahugan ng soya at kelp (isang uri ng damong-dagat).

 

Kapuwa ipinahahayag ng dalawang regalong ito ang hangarin para sa mabuting kalusugan at mahabang buhay para sa dinadalaw na magulang.

 

Paghahanap ng ninong

 

Ang pagbagsak ng ulan sa pagpasok ng Yu Shui ay nagpapayaman sa sustansya ng lupa at nagdadala ng bitalidad sa mga pananim.

 

Sa katulad na pananaw, sa ilang lugar ng Tsina, naniniwala ang mga mamamayang lokal na ang paghahanap ng ninong para sa kanilang mga anak sa panahon ng Yu Shui ay magdadala ng kalusugan at seguridad sa mga bata.

 

Ang kaugaliang ito ay nagmula pa noong sinaunang panahon, kung kailan, maraming mga bata ang namamatay dahil sa iba’t-ibang uri ng sakit.

 

Kaya, nais ng mga magulang na magkaroon ng ninong ang kanilang mga anak upang magbigay ng pagpapala at suwerte.

 

Masustansyang lugaw

 

Ayon sa Tradisyonal na Medisinang Tsino (TCM), ang maulang klima at basang kapaligiran ay hindi mainam sa kalusugan ng lapay o spleen, at tiyan.

 

Para maproteksyonan ang mga kalamnang ito, iminumungkahi ng TCM na panatilihin ang balanseng konsumo ng protina, carbohydrate, mantika, bitamina at iba pang mineral.

 

Bukod diyan, malaking tulong din ang palaging paghigop ng masustansya, masarap at mainit na lugaw.

 

 

Artikulo: Rhio

Script-edit: Jade/Rhio

Web-edit: Jade/Sarah

Source: Sarah

Larawan: Li Min/VCG/IC/Jade/Sarah

 

Please select the login method