Ayon sa nakatakdang iskedyul, darating 5:10PM, bukas, Linggo, ika-28 ng Pebrero 2021, ng Villamor Airbase sa Pasay City, ang 600,000 dosis na bakuna kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), na bigay ng pamahalaang Tsino sa Pilipinas, at gawa ng Sinovac Biotech Ltd. ng Tsina.
Idaraos sa paliparan ang seremonya ng paghahandog ng mga bakuna, na sasaksihan nina Pangulong Rodrigo Duterte, ilang miyembro ng kanyang gabinete, Huang Xilian, Embahador ng Tsina sa Pilipinas, at ibang mga opisyal ng embahada.
Magbibigay din ng mensahe sina Pangulong Duterte at Embahador Huang.
Pagkaraan nito, ihahatid ang mga bakuna sa mga storage facility ng Kagawaran ng Kalusugan.
Editor: Liu Kai
Bakuna ng Sinovac, ipapadala sa Pilipinas; PRRD, gustong saksihan ang pagdating
Emergency use authorization, ibinigay ng Pilipinas sa bakuna ng Sinovac
Pagdalaw ni Wang Yi sa Pilipinas, nagpapakita ng katapatan at pagpapalakas ng pagtutulungan
Tsina, handang ipadala ang COVID-19 bakuna sa Pilipinas matapos magkaroon ng EUA