CMG Komentaryo: Bakit mahalaga ang pagsasakatuparan ng Tsina ng mahigit 100 trilyong yuan na GDP noong 2020

2021-03-02 21:38:57  CMG
Share with:

Ayon sa estadistikang inilabas kamakailan ng panig opisyal ng Tsina, umabot sa mahigit 100 trilyong yuan RMB ang Kabuuang Halaga ng Produksyong Panloob (GDP) ng Tsina noong 2020, at ito ay mas malaki ng 2.3% kumpara sa taong 2019.

 

Sa harap ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), hindi madali ang pagsasakatuparan ng ganitong mabuting resulta ng pagpapaunlad ng kabuhayan. Ipinakikita nitong mabisa ang mga patakaran at hakbangin ng Tsina para sa pagkontrol at pagpigil sa COVID-19, at pagpapanumbalik ng normal na takbo ng kabuhayan.

 

Samantala, ang mabilis na bumangong kabuhayang Tsino ay naging pangunahing puwersa sa pagpapasulong ng pag-ahon ng kabuhayang pandaigdig. Nagbigay ang Tsina ng mga positibong elemento sa pandaigdigang kalakalan at pamumuhunan na apektado ng pandemiya.

 

Editor: Liu Kai

Please select the login method