Inilabas kamakailan ng Tanggapan ng Kinatawang Pangkalakalan ng Amerika ang dokumento kung saan nakalakip ang roadmap sa kalakalan ng bagong pamahalaan.
Mahigit 400 beses na nabanggit sa dokumento ang Tsina. Anito pa, haharapin ng pamahalaang Amerikano ang di-umanong mga di-pantay na aksyon ng Tsina sa kalakalan, sa pamamagitan ng lahat ng mga magagamit na paraan.
Ang paglabas ng panig Amerikano ng patakarang pangkalakalan na nagtatampok sa pagkasalungat laban sa Tsina ay hindi katanggap-tanggap, lalung-lalo na sa panahong ito habang kinakailangan ang pagbangon ng kabuhayang pandaigdig mula sa epekto ng pandemiya ng COVID-19, at humihigpit pa ang relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Amerika.
Sa katotohanan, kinakailangan ng Amerika ang isang bagong roadmap sa patakarang pangkalakalan na nakatuon sa Tsina. Ito ay batay sa paggalang sa mga tadhana ng market economy at mga tuntunin ng malayang kalakalan, at nagtatampok sa pagkontrol sa pagkakaiba at pagpapalakas ng kooperasyon.
Editor: Liu Kai