CMG Komentaryo: Anu-anong pagkakataon ang idudulot ng mga sesyon ng NPC at CPPCC

2021-03-05 15:59:41  CMG
Share with:

CMG Komentaryo: Anu-anong pagkakataon ang idudulot ng mga sesyon ng NPC at CPPCC_fororder_ca42cfce2c60463288d8ef589d4

 

Binuksan na sa Beijing ang mga sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina at Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng Mamamayang Tsino (CPPCC).

 

Sa dalawang sesyong ito, itatakda ang mga target at pangkalahatang hakbangin ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng Tsina sa taong ito. Itatakda rin ang ika-14 na panlimahang taong plano para sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan mula 2021 hanggang 2025, at mga pangmalayuang target hanggang sa taong 2035.

 

Ayon sa Reuters, ang mga ito ay pinag-uukulan ng malaking pansin ng komunidad ng daigdig. Dahil anito, sa harap ng masalimuot at mahigpit pa ring kalagayang pangkabuhayan ng daigdig, inaasahan ng komunidad ng daigdig na patuloy na magdudulot ang Tsina ng lakas tagapagpasulong sa pagbangon ng kabuhayang pandaigdig.

 

Ilalabas sa darating na ilang araw ang mga konkretong nilalaman ng naturang mga target at plano, pero maaasahang magiging tuluy-tuloy, matatag, at sustenable ang mga makro-polisya ng Tsina sa taong ito, at magiging mas iksakto at mabisa rin ang pagsasagawa ng mga hakbangin.

 

Samantala, ilalabas din sa kasalukuyang dalawang sesyon ang mga positibong signal sa mga aspekto ng pagbubukas sa labas, inobasyon, at berdeng pag-unlad. Magdudulot din ito ng mas maraming pagkakataon ng komong pag-unlad para sa buong daigdig.

 

Editor: Liu Kai

Please select the login method