Sa ngalan ng 70 bansa, nagtalumpati kahapon, Biyernes, ika-5 ng Marso 2021, ang kinatawan ng Belarus sa ika-46 na sesyon ng Konseho sa Karapatang Pantao ng United Nations (UNHRC), kung saan binigyang-diin niyang, ang mga suliranin ng Hong Kong ay suliraning panloob ng Tsina, at hindi dapat makialam sa mga ito ang ibang panig.
Ipinahayag din ng nasabing kinatawan ang pagsuporta ng mga bansa sa pagsasagawa ng Isang Bansa Dalawang Sistema sa Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR).
Aniya pa, pagkaraang pairalin ang batas sa pambansang seguridad, natapos ang kaligaligan sa Hong Kong, at unti-unting napapanumbalik ang katatagan.
Editor: Liu Kai