BRI, makakabuti sa pandaigdigang kooperasyon sa karapatang pantao

2021-03-06 16:17:02  CMG
Share with:

Sa seminar na idinaos kahapon, Biyernes, ika-5 ng Marso 2021, sa sidelines ng ika-46 na sesyon ng Konseho sa Karapatang Pantao ng United Nations (UNHRC), nagpalitan ng palagay ang mahigit 20 dalubhasang Tsino at dayuhan tungkol sa kooperasyon at mga natamong bunga sa karapatang pantao sa ilalim ng Belt and Road Initiative (BRI).

 

Ipinalalagay ng mga dalubhasa, na ang BRI ay nagbigay ng ideya ng pagpapasulong ng usapin ng karapatang pantao sa loob ng balangkas ng multilateralismo.

 

Makakatulong anila ito  sa kooperasyon ng mga bansa sa karapatang pantao, para magbigay-ambag sa pag-unlad ng usaping ito sa buong daigdig.

 

Sinabi rin ng mga dalubhasa, na batay sa multilateralismo, isinasagawa ng Tsina ang pandaigdigang kooperasyon sa paglaban sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) at pagkakaloob ng mga bakuna kontra COVID-19, lalung-lalo na, para sa mga umuunlad na bansa.

 

Makakabuti ito sa paggarantiya sa karapatang pantao sa aspekto ng pandaigdigang kalusugang pampubliko, diin nila.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan

Please select the login method