CMG Komentaryo: Bakit magkakasamang sinusuportahan ng 70 bansa ang posisyon ng Tsina tungkol sa Hong Kong?

2021-03-07 10:03:44  CMG
Share with:

CMG Komentaryo: Bakit magkakasamang sinusuportahan ng 70 bansa ang posisyon ng Tsina tungkol sa Hong Kong?_fororder_20210307HongKong550

Sa Ika-46 na Pulong ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) na idinaos kamakailan, sa ngalan ng 70 bansa, nagtalumpati ang kinatawan ng Belarus na muling inulit ang kanilang pagkatig sa pagsasagawa ng Tsina ng patakarang “Isang Bansa, Dalawang Sistema” sa Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR).

 

Ipinagdiinan din nila na ang suliranin ng Hong Kong ay suliraning panloob ng Tsina, at hindi dapat ito panghimasukan ng mga dayuhang puwersa.

 

Bukod dito, sa magkakahiwalay na talumpati, ipinahayag ng mga kinatawan ng mahigit 20 bansa ang kanilang suporta sa posisyon ng Tsina tungkol sa Hong Kong.

 

Ang makatarungang tinig na mula sa parami nang paraming bansa ay lubos na nagpapakitang malawak na kinikilala ng komunidad ng daigdig ang isinasagawang patakaran ng Tsina sa Hong Kong.

 

Ang Hong Kong ay isang espesyal na rehiyong administratibo sa ilalim ng pangangasiwa ng pamahalaang sentral ng Tsina. Ang pakikialam ng dayuhang puwersa sa mga suliraning panloob nito ay panghihimasok sa mga suliraning panloob ng Tsina. Ito ay grabeng lumalabag sa diwa ng “UN Charter” at pundamental na norma ng relasyong pandaigdig.

 

Ang magkakasamang pagkatig ng 70 bansa sa kaukulang posisyon at patakaran ng Tsina sa Hong Kong, ay pagbibigay-galang at pangangalaga sa “UN Charter” at norma ng pandaigdigang relasyon.

 

Samantala, ang pagsuporta ng komunidad ng daigdig sa pagsasagawa ng Tsina ng patakarang “Isang Bansa, Dalawang Sistema” sa Hong Kong ay nakabase rin sa realistikong kalagayan ng pag-unlad ng Hong Kong.

 

Nakikita ng komunidad ng daigdig na sapul nang bumalik ang Hong Kong sa inangbayan, sa ilalim ng puspusang pagkatig ng pamahalaang sentral, napapanatili ang katayuan ng Hong Kong bilang free port at separate customs territory, bagay na nakakapagbigay ng malaking pagkakataon ng pag-unlad sa buong mundo. 


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method