CMG Komentaryo: Paggagalugad ng potensyal ng pamilihang Tsino, pakikinabangan ang buong mundo

2021-03-10 16:53:49  CMG
Share with:

CMG Komentaryo: Paggagalugad ng potensyal ng pamilihang Tsino, pakikinabangan ang buong mundo_fororder_1e3ea8a277a04a6b8dfbc614e8b4af23-1280

 

Ang "dual circulation" development pattern ay isang terminong may kinalaman sa kabuhayang Tsino, na pinag-uukulan ngayon ng napakalaking pansin.

 

Kaugnay nito, muling binigyang-diin sa kasalukuyang government work report ng Tsina ang isang estratehikong priyoridad - pagpapataas ng pangangailangang panloob.

 

Batay rito, lubos na gagalugarin ng Tsina ang potensyal ng domestikong merkado, para maipagkaloob ang mas malaking pamilihang Tsino sa buong daigdig.

 

Samantala, ang kabuhayang Tsinong may mas magandang sirkulasyon ay hindi lamang magbibigay ng mas maraming ginhawa sa dayuhang pamumuhunan at kalakalan sa Tsina, kundi magkakaloob din ng mas mabuting produkto at serbisyo sa pandaigdigang industrial at supply chain.

 

Walang kontradiksyon sa pagitan ng pagbuo ng Tsina ng mas malakas na domestikong merkado at tuluy-tuloy na pagpapalawak ng pagbubukas sa labas; at sa katotohanan, pasusulungin ng dalawang usaping ito ang isa't isa.

 

Ang paggagalugad sa potensyal ng pamilihang Tsino ay magdudulot ng mas malaking pakinabang at mas maraming pagkakataon para sa buong mundo.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan

Please select the login method