Bilang tugon sa pekeng pagbabalita ng ilang dayuhang media hinggil sa Belt and Road Initiative (BRI), sinabi nitong Martes, Marso 9, 2021 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina na sa pamamagitan ng pagtatatag ng Belt and Road, kasama ng iba’t ibang panig, naihandog ng panig Tsino ang plano at katalinuhan para sa pag-unlad ng daigdig at usapin ng karapatang pantao.
Ito aniya ay unibersal na komong palagay ng karamihan ng mga bansa.
Tinukoy ni Zhao na ang inisyal na layunin ng BRI ay makipagtulungan sa mga bansa sa kahabaan nito, at tulungan silang paunlarin ang kabuhayan at pawiin ang karalitaan, batay sa diwa ng paggagalangan, pagkakapantay-pantay at mutuwal na kapakinabangan.
Ito aniya ang karapatang pantao na kailangang-kailangan ng mga bansa sa kahabaan ng BRI.
Kaugnay nito, sinabi niyang sa pamamagitan ng pagsasagawa ng pandaigdigang kooperasyon sa paglaban sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) at bakuna kontra COVID-19, naisagawa ng Tsina ang mahalagang ambag para sa pangangalaga sa karapatan sa buhay at karapatan sa kalusugan ng mga mamamayan ng kaukulang bansa.
Salin: Vera
Pulido: Rhio