Batas-militar, ipinatupad sa ilang rehiyon ng Yangon

2021-03-15 16:32:14  CMG
Share with:

Batas-militar, ipinatupad sa ilang rehiyon ng Yangon_fororder_20210315Yangon

Ipinatalastas Linggo ng gabi, Marso 14, 2021 ng State Administration Council ng Myanmar na sinunog nang araw ring iyon ang ilang pabrika sa dalawang township na Hlaingthaya at Shwe Pyi Thar ng Yangon. Hinadlangan din ng mga may-kagagawan ang mga bomberong patungo sana sa pinangyarihan ng sunog.
 

Ayon sa nasabing konseho, upang mabisang mapangalagaan ang seguridad at pangangasiwa alinsunod sa batas, ipinasiya nitong ipatupad ang batas-militar sa nasabing dalawang township.
 

Dahil dito, nabigyan ng kapangyarihang administratibo at hudisyal ang komander ng rehiyon ng Yangon.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method