Tsina sa mga mamamayan ng Myanmar: Huwag magpaudyuk o magpagamit sa iba

2021-03-16 11:03:37  CMG
Share with:

Tsina sa mga mamamayan ng Myanmar: Huwag magpaudyuk o magpagamit sa iba_fororder_20210316Myanmar

Kaugnay ng kalagayan sa Myanmar, nanawagan nitong Lunes, Marso 15, 2021 si Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina sa mga mamamayan ng Myanmar na ipahayag ang sariling kahilingan alinsunod sa batas, at huwag magpaudyuk o magpagamit sa iba, upang maiwasang maka-apekto sa pangkalahatang kalagayang pangkaibigan ng Tsina at Myanmar.
 

Ukol sa insidente ng pagsira at pagsunog sa mga kompanyang Tsino sa Myanmar, saad ni Zhao, napakasama ng nasabing insidente.
 

Aniya, nang maganap ang insidente, agad na nakipag-ugnayan ang Embahadang Tsino sa Myanmar sa Samahan ng mg Kompanyang Tsino sa Myanmar at mga kaukulang kompanya, agarang humiling sa panig pulisya sa lokalidad na isagawa ang mabisang hakbangin para igarantiya ang kaligtasan ng mga kompanya at tauhang Tsino.
 

Dagdag ni Zhao, umaasa ang panig Tsino na isasagawa ng Myanmar ang aktuwal na hakbangin, upang mapangalagaan ang kaligtasan ng mga mamamayang Tsino sa Myanmar, at iwasang maulit muli ang ganitong insidente.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method