CMG Komentaryo: Quad na pinamumunuan ng Amerika, pekeng multilateralismo

2021-03-17 14:57:52  CMG
Share with:

CMG Komentaryo: Quad na pinamumunuan ng Amerika, pekeng multilateralismo_fororder_be261f8851aa42188588f91bfb0

 

Sa pamamagitan ng video link, idinaos kamakailan ang unang summit ng Quad o Quadrilateral Security Dialogue, na binubuo ng Amerika, Australya, Hapon at Indya.

 

Bagama't hindi hayagang nabanggit ang Tsina, maliwanag na nakatuon sa Tsina ang mga nilalaman ng pahayag na inilabas ng pulong.

 

Sinabi ng National Public Radio ng Amerika, na ang pagdaraos ng naturang pulong ay para palakasin ng Amerika, kasama ng mga kaalyado nito, ang komprontasyon laban sa Tsina. Ipinalalagay naman ng pahayagang Financial Times ng Britanya, na layon ng pulong na hanapin ang komong batayan ng paglaban sa Tsina.

 

Batay sa pulong na ito, mukhang dumadako sa multilateralismo ang kasalukuyang administrasyon ng Amerika, pero sa katotohanan, ito pa rin ay sarado at eksklusibong bloc o grupo, at maaari itong tawaging "multilateralismo" na may pagkiling.

 

"Magkakasamang tinatalakay ng lahat ng mga mamamayan ang mga suliranin ng daigdig, at magkakasamang hinahawakan ng iba't ibang bansa ang kapalaran ng mundo." Ito ang siyang tunay na multilateralismo.

 

Kung hindi itatakwil ang pekeng multilateralismo, ang Quad na pinamumunuan ng Amerika ay labag pa rin sa tunguhin ng panahon at mithiin ng mga mamamayan.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos

Please select the login method