Pamumuhunan ng Tsina sa mga bansa ng Belt and Road, lumaki ng 12.1% mula noong Enero hanggang Pebrero

2021-03-19 15:02:27  CMG
Share with:

Ayon sa datos na inilabas nitong Huwebes, Marso 18, 2021 ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, mula noong Enero hanggang Pebrero ng taong ito, umabot sa 99.38 bilyong yuan RMB (o 15.36 bilyong dolyares) ang non-financial Outbound Direct Investment (ODI) ng Tsina, at ito ay bumaba ng 7.9% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon.
 

Kabilang dito, 3.05 bilyong dolyares ang non-financial ODI ng bansa sa mga bansa sa kahabaan ng Belt and Road, at ito ay lumaki ng 12.1%.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method