Tsina at Pilipinas, palalakasin ang kooperasyon para dagdagan ang benepisyo sa mga mamamayan

2021-03-20 16:26:19  CMG
Share with:

Tsina at Pilipinas, palalakasin ang kooperasyon para dagdagan ang benepisyo sa mga mamamayan_fororder_153740378_4152906924739162_6507429998929215923_n

 

Nag-usap sa pamamagitan ng video link, kahapon, Biyernes, ika-19 ng Marso 2021, sina Song Tao, Puno ng International Department ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), at Manny Pacquiao, Presidente ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban).

 

Sinabi ni Song, na sa patnubay nina Pangulong Xi Jinping at Pangulong Rodrigo Duterte, tuluy-tuloy na umuunlad ang relasyong Sino-Pilipino, at mahigpit ang pagpapalitan ng CPC at PDP-Laban.

 

Aniya, nagtutulungan ang Tsina at Pilipinas sa paglaban sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), at natatamo nila ang mga bunga sa kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan, at koordinasyon ng Belt and Road Initiative at Build Build Build.

 

Ipinahayag din ni Song ang kahandaan ng Tsina, kasama ng Pilipinas, na palawakin ang kooperasyon sa kabuhayan, pagbabawas ng karalitaan, edukasyon, at iba pa.

 

Hinahangaan naman ni Pacquiao ang natamong bunga ng Tsina sa pagkontrol sa COVID-19, pagpawi ng karalitaan, at pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan.

 

Pinahahalagahan aniya ng PDP-Laban ang relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon sa CPC.

 

Umaasa rin si Pacquiao na palalakasin ng dalawang panig ang kooperasyon sa mga larangang may kinalaman sa pamumuhay ng mga mamamayan at iba pa, para dagdagan ang pagkakaibigan ng mga Pilipino at Tsino, at ibigay ang ambag para sa pag-unlad ng daigdig.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos

Please select the login method