Bilang tugon sa pagpapataw ng sangsyon ng Unyong Europeo (EU) laban sa mga indibiduwal at organo ng Tsina, sa katuwiran ng di-umano'y isyu ng karapatang pantao sa Xinjiang, ipinatalastas kamakailan ng Ministring Panlabas ng Tsina ang katugong sangsyon laban sa mga indibiduwal at organo ng panig ng EU, dahil sa kanilang paglapastangan sa soberanya at mga kapakanan ng Tsina, at pagpapalaganap ng mga huwad na impormasyon.
Kabilang sa mga napatawan ng ganting sangsyon ay si Adrian Zenz, ang di-umano'y self-proclaimed na iskolar na galing sa Alemanya.
Hindi pa siya nakatungtong sa kahit isang metro kuwadradong lupain ng Xinjiang, pero mula noong 2018, sinulat niya ang mahigit 10 artikulo at ulat, at ini-imbento ang mga kasinungalingan tungkol sa Xinjiang na gaya ng "genocide," "sapilitang pagtatrabaho," at iba pa.
Isa ring nasa listahan ay si Reinhard Butikofer, miyembro ng European Parliament.
Pinaninindigan niya ang pagsasapulitika ng suliranin ng karapatang pantao, at itinataguyod ang pagpapatigil ng prosidyur kaugnayan ng Komprehensibong Kasunduan sa Kalakalan ng Tsina at EU, sa katuwiran ng isyu ng karapatang pantao.
Kaugnay ng kalagayan ng karapatang pantao sa Xinjiang, kailangang tunghayan ang mga totoong impormasyon, na gaya ng nakasaad sa aklat na pinamagatang The End of Uyghur Fake News, na ginawa ni Maxime Vivas, manunulat na Pranses.
Ito ay kanyang ginawa sa pamamagitan ng dalawang beses na pagbisita sa Xinjiang at apat na taong pananaliksik.
Bukod dito, kailangan ding pakinggan ang tinig mula sa mas malawak na grupo ng mga tao, halimbawa ang mga opisyal at mamamahayag mula sa maraming bansang bumisita mismo sa Xinjiang, at mahigit 80 bansang nagpahayag ng suporta kamakailan sa mga patakaran ng Tsina sa Xinjiang, sa sesyon ng United Nations Human Rights Council.
Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan
CMG Komentaryo: Quad na pinamumunuan ng Amerika, pekeng multilateralismo
CMG Komentaryo: Paggagalugad ng potensyal ng pamilihang Tsino, pakikinabangan ang buong mundo
CMG Komentaryo: Anu-anong pagkakataon ang idudulot ng mga sesyon ng NPC at CPPCC
CMG Komentaryo: Pagpapabuti ng sistemang elektoral ng HKSAR, kailangang-kailangan at di-maiiwasan