Zhurong, tawag sa unang Mars rover ng Tsina

2021-04-24 16:38:21  CMG
Share with:

Zhurong, tawag sa unang Mars rover ng Tsina_fororder_5e3e36452f244d3f997878fa00f68cc7

 

Ang unang Mars rover ng Tsina ay pinangalanang Zhurong.

 

Ito ay ipinatalastas ng China National Space Administration (CNSA), ngayong araw, Sabado, Abril 24, 2021, sa okasyon ng Araw ng Kalawakan ng Tsina.

 

Si Zhurong ay diyos ng apoy sa sinaunang mitolohiyang Tsino. Samantala, ang tawag sa Mars sa wikang Tsino ay Huoxing, na nangangahulugang planeta ng apoy.

 

Ayon sa CNSA, ang apoy ay nagbibigay ng init at liwanag sa mga ninuno ng sangkatauhan, at iniilawan din nito ang sibilisasyon ng sangkatauhan. Ang pagbibigay ng pangalan ng diyos ng apoy sa unang Mars rover ng Tsina ay palatandaan ng mabuting simula at maliwanag na kinabukasan ng planetary exploration ng Tsina.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos

Please select the login method