Kaugnay ng pagmumura ni Teodoro Locsin Jr., Kalihim ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas sa kanyang Twitter post tungkol sa pamamatrolya ng coast guard ng Tsina sa Huangyan Island, sinabi nitong Martes, Mayo 4, 2021 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang Huangyan Island ay teritoryo ng Tsina, at ang mga nakapaligid na karagatan nito ay nasa ilalim ng hurisdiksyon ng Tsina.
Ani Wang, hinihimok ng panig Tsino ang panig Pilipino na totohanang igalang ang soberanya at hurisdiksyon ng Tsina, at itigil ang pagsasagawa ng anumang aksyong magpapasalimuot ng situwasyon.
Paulit-ulit na aniyang napatunayan ng katotohanan na nakakapinsala lang ang megaphone diplomacy sa pagtitiwalaan, at hindi nito kayang baguhin ang katotohanan.
Umaasa aniya ang panig Tsino na habang naglalabas ng mga pananalita ang kaukulang personaheng Pilipino, magbibigay-pansin siya sa pundamental na asal at katayuan.
Ipinahayag pa niya na tulad ng sinabi ni Pangulong Duterte, hindi dapat maapektuhan ng alitan at hidwaan ng Pilipinas at Tsina ang paagkakaibigan at kooperasyon ng kapwa bansa.
Ito aniya ay narating na mahalagang pagkakasundo ng dalawang bansa.
Tulad ng dati, patuloy na magsisikap ang panig Tsino kasama ng panig Pilipino para maayos na hawakan ang hidwaan sa mapayapang paraan.
Salin: Lito
Pulido: Rhio
Op-Ed: Dapat matyagan ang “Yellow Journalism” para hindi maulit ang trahediyang kasaysayan
Karagdagang 500,000 bakuna ng Sinovac, dumating ng Pilipinas; tuluy-tuloy na suplay, pinasalamatan
500,000 karagdagang bakunang gawa ng Sinovac, dumating ng Maynila
Tsina, magsisikap kasama ng Pilipinas, para maayos na hawakan ang pagkakaiba sa isyu ng dagat