Prof. Rommel Banlaoi: Pagpapaunlad ng imprastruktura't modern agriculture, susi sa pag-ahon sa ganap ng kahirapan ng Tsina

2021-05-20 10:37:48  CMG
Share with:

 

May dalawampung taon na rin ang isinasagawang pag-aaral at pagpapakadulubhasa ni Dr. Rommel Banlaoi sa Tsina. Bukod sa walong taong pag-aaral sa Tsina, ilang beses rin siyang dumalaw sa bansa.  

 

Sa panayam ng China Media Group (CMG) Filipino Service  ibinahagi ni Dr. Banlaoi na saksi siya sa malaking pag-unlad ng Tsina.  

 

Prof. Rommel Banlaoi: Pagpapaunlad ng imprastruktura't modern agriculture, susi sa pag-ahon sa ganap ng kahirapan ng Tsina_fororder_微信图片_20210512101216-edi

 

Isa sa ikinabigla niya ay ang modernong mga imprastruktura gaya ng mga paliparan, tulay, daungan sa maraming mga lunsod gaya ng Guangzhou, Xiamen, Shanghai at Beijing. Bukod dito, napabilib siya sa pagbuti ng antas ng pamumuhay ng mga Tsino sa loob lamang ng dalawang dekada.

 

“Natutuwa ako sa pagkakataon na ito na na-eradicate ang absolute poverty. Witness ako dyan dahil sa pag-aaral na ginawa ko. At sa confirmation ng World Bank, 800 milyon ang naalis sa kahirapan. Isang malaking contribution yan sa mga mamamayan ng buong mundo,”pahayag ni Prof. Banlaoi sa phone interview ng CMG.    

 

Pagdating sa poverty alleviation ng Tsina, kapansin-pansin ani Prof. Banlaoi ang epekto ng pagpapa-unlad ng imprastruktura. Sa tingin niya pag na-improve ang imprastruktura magkakaroon ng mabilis na kalakalan, matri-trigger ang economic activity.

 

Sa mata ni Dr. Banlaoi, kung paano minordernize ng Tsina ang larangan ng agrikultura ay karanasang dapat aralin.  

 

Saad ni Dr. Banlaoi,“Dahil sa modern agriculture, kayang pakainin ng Tsina ang kaniyang mamamayan. Kaugnay din ng modern agriculture ay ang pagpapalakas ng research at ng science and technology.”

 

Hinggil sa bagong target ng kaunlaran ng Tsina sa 2035, tiwala ang Pangulo ng Philippine Association for China Studies (PACS) na makakamit ito ng Tsina.

 

“Ang Tsina lamang ang bansa sa buong mundo na naka-experience ng post-pandemic recovery. At mukhang masu-sustain ng China ang trend. Optimistic ako, at baka mas maaga pa, 2030 (maa-achieve ang target) kung magtutuloy-tuloy ang trend, ”dagdag niya.  

 

Inilabas ng Tsina sa taong ito ang Ika-14 na Panlimahang Taong Pambansang Planong Pangkabuhayan at Panlipunan (2021-2025) at Long-Range Objectives Through the Year 2035.

 

Maaaring makinabang ang Pilipinas sa pag-unlad na ito. Paliwanag ni Prof. Banlaoi, ipinangako ni Pangulong Xi Jinping ang pagtulong sa mga developing economies. At kung magpapatuloy ang magandang relasyon ng Pilipinas at Tsina, magiging recipient ng mga ayuda ang Pilipinas. Umaasa rin si Prof. Banlaoi na sana ay maipatupad ang maraming mga kasunduang nilagdaan ng dalawang bansa sa mga larangang gaya ng agrikultura, agham at teknolohiya, food security at marami pang iba.

 

Ang buong panayam ay mapapakinggan sa itaas.

 

Narito ang unang episode ng espesyal na programa ng CMG, kung saan ibinahagi ni Dr. Banlaoi ang pananaw hinggil sa pagtutulungan ng Pilipinas at Tsina sa mga larangan ng pagbabakuna, imprastruktura, kalakalan at people-to-people contact. 

 

 

 

Ulat: Machelle Ramos

Content-edit: Jade/Mac

Audio-edit/Web-edit: Jade 

Larawan: Rommel Banlaoi

Please select the login method